Miyerkules, Marso 21, 2018

Agrikultura

Ano ang agrikultura? Ayon sa wikepedia,  Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at halamang-singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga produkto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao.[1] Naging susi ang agrikultura sa pagsulong ng kabihasnan na nagdolot sa pamumuhay na nakahimpil lamang o sedentary. Nangyari ang ganoong uri ng pamumuhay dahil ang pagpapaamo o pagdomestikado ng mga espesye ay nakalikha ng mga kalabisan sa pagkain. Tinatawag na agham pang-agrikultura ang pag-aaral agrikultura. Nasa libong taon ang kasaysayan ng agrikultura at ang pag-unlad nito ay lubhang pinapatakbo at binibigay kahulugan ng iba't ibang mga klima, kalinangan, at teknolohiya. Namamayani bilang kaparaanang pang-agrikultura ang agrikulturang pang-industriya na nakaNahahati angsektor ng agrikultura sa paghahalaman (farming), paghahayupan (livestock), pangingisda (fishery), at paggugubat (forestry).
•           Paghahalaman. Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Ayon sa National Statistical Coordination Board(NSCB), tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas. Kasama rin dito ang produksiyon ng gulay, halamanggubat, at halamang mayaman sa hibla (fiber). Gayundin ang mani, kamoteng kahoy, kamote, bawang, sibuyas, kamatis, repolyo, talong, at kalamansi.

•           Paghahayupan. Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing,baboy, manok, pato at iba pa. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sakarne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.
•           Pangingisda. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture. Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan.Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel. Ang pangisdang aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat) (BOI, 2011). Sa mga ito, ang aquaculture ang pinakamalaki ang naitala sa kabuuang produksiyon ng pangisdaan na umabot sa Php92,289.9 bilyon noong 2012. Kasunod nito ang pangisdaang munisipal na may Php79,527.4 bilyon at komersyal na may Php65,894.2 bilyon. Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman.
Paggugubat. Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
Makikita sa Talahanayan 2 ang natamong kita ng sektor ng agrikultura para sa taong 2012. Batay rito, ang 50% ng kabuuang ani ay mula sa iba’t ibang tanim kung saan ang may pinakamataas na bahagdan ay palay na nasa 20%. Samantala, nasa 6% naman ang pinagsama-samang dami ng tubo, mangga, at pinya. Ang paghahayupan naman ay nakapagtala ng 13% kung saan ang pagmamanukan ay may 11% na bahagi. Sa aspeto naman ng pangisdaan, mayroong 19% na kinita para sa nasabing taon.
Sa kabuuan, nakapag-ambag ang sektor ng agrikultura ng Php1,247 bilyon (current prices) sa buong GDP ng bansa (Php10,565 B). Ito ay malaking bagay sa Pilipinas na may malaking populasyon at umaasa sa bigas at pagkaing nagmula sa tubig at pagsasaka.
batay sa malawakang monokulturang pagsasaka.
https://depedkto12.blogspot.com/2016/01/ang-sektor-ng-agrikultura.html?m=1
Ano ang mga sektor ng agrikultura?
Bakit mahalaga ang agrikultura sa ating ekonomiyAng pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Dahil dito, ang agrikultura ay nararapat na bigyang-pansin upang mapalakas at maging katuwang ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran ayon sa sumusunod na kahalagahan:

Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain. Ang lupain ng Pilipinas ay akma na tamnan ng mga produktong tulad ng palay, mais, tubo, patatas, at iba pa. Mayroon ding inaaning mga prutas tulad ng mangga, pinya, kopra, at saging. Mainam din ang temperatura dito bilang lokasyon sa pag aalaga ng mga hayop na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Mayroon ding sapat na mapagkukunan ng mga pagkaing mula sa katubigan. Ang agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa bansa dahil ito ang pinagmumulan ng mga pagkain ng mamamayan.
Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto. Nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan, kabukiran, at karagatan na maaaring gamitin sa produksiyon. Halimbawa, ang puno na pinagmumulan ng goma ay gamit para sa paggawa ng gulong; bulak at halamang mayaman sa hibla para sa tela at sinulid; kahoy para sa mga muwebles; at dahon at ugat para sa pagkain, kemikal, o gamot.
https://www.google.com.ph/amp/www.justhomeworks.com/2016/02/ang-kahalagahan-ng-agrikultura.html/amp